Wednesday, June 30, 2010

Bahay


By: Gary Granada

Isang araw ako'y nadaalaw sa bahay tambakan
Labing-limang mag-anak ang doo'y nagsiksikan
Nagtitiis sa munting barung-barong na sira-sira
Habang doon sa isang mansyon halos walang nakatira

Sa init ng tabla't karton sila doo'y nakakulong
Sa lilim ng yerong kalawang at mga sirang gulong
Pinagtagpi-tagping basurang pinatungan ng bato
Hindi ko maintindihan bakit ang tawag sa ganito ay bahay

Sinulat ko ang nakita ng aking mga mata
Ang kanilang kalagayan ginawan ko ng kanta
Iginuhit, isinalarawan ang naramdaman
At isinangguni ko sa mga taong marami ang alam

Isang bantog na senador ang unang nilapitan ko
At dalubhang propesor ng malaking kolehiyo
Ang pinagpala sa mundo ang dyaryo at ang ang pulpito
Lahat sila'y nagkasundo na ang tawag sa ganito ay bahay

Maghapo't magdamag silang kakayod kakahig
Pagdakay tutukang nakaupo lang sa sahig
Sa papag na gutay-gutay pipiliting hihimlay
Di hamak na mainam pa ang pahingahan ng mga patay

Baka naman isang araw kayo doon ay maligaw
Mahipo nyo at marinig at maamoy at matanaw
Hindi ako nangungutya kayo na rin ang magpasya
Sa palagay ninyo kaya ito sa mata ng Maylikha ay bahay

No comments:

Post a Comment